
Yongpyong Ski Resort ay isang ski resort na matatagpuan sa Daegwallyeong-myeon, Pyeongchang, Gangwon-do ng Timog Korea. Pati na rin ang mga kagamitan sa skiing, ang resort na nag-aalok ng golf sa mga buwan ng tag-init. Ito ay ang pinakamalaking ski at Snowboard resort sa Korea.
South Korea o Republika ng Korea ay isang bansa sa east asia. Ang pangalang Korea ay galing sa Goryeo, isang dinastiyang namuno noong "middle ages". Ang bansang Korea ay dating binansagan bilang "Hermit kingdom" . Ayon aa kasaysayan, ang bansang ito ay nasakop ng nga dayuhang bansa sa magkakasunod na panahon na nagresulta sa pag-isip ng nga koreano na makipagsalamuha sa ibang bansa nang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang kultura. Nagsimula sa taong 2333 BCE ang kasaysayan ng Korea.
![]() |
Haring Tan-gun |
Ang pangkat ng mga Paekche ay payapa at laging umiiwas sa pananalakay ng mga koguryo. Samantalang ang pinakamahina sa tarlong kaharian ay ang Silla. Ang Silla ay pumasok sa isang kasunduang militar sa dinastiyang Tang ng tsina upang talunin ang mga kaharian ng Paekche at Koguryo ngunit ito'y umatras sa kasunduan ng mapansin ang balak ng tsina na sakupin ang tatlong kaharian.
Sa panahong humina ang dinastiyang Tang ng tsina ay agad na pinamunuan ni Wang Kien ang isang rebolusyon ng korea at sinakop ang Paekche at Silla at pinag-isa ito at tinawag nyang Koryo. Ang Dinastiyang Koryo ay isang sentralisadong pamahalaan. Itinatag nya ang civil service na tumatanggap ng mga opisyal para sa pamahalaan ngunit ito'y hindi nagtagumpay na nagresulta sa pagharap ng Koryo sa isang matinding suliranin. Pagdating ng 1231, ang korea ay sinakop ng Mga Mongol at sapilitang pinagbayad ng mga buwis. Ito ay tumagal hanggang 1350. Matapos ito ay muling nahati ang Koryo. 1392 ng pinabagsak ang isang pangkat ng mga opisyal na pinamunuan ni Yi-Taijo.
![]() |
Sejong |
Sa kasalukuyan, ang Korea ay isa sa mga pinakatanyag na bansa sa Asya sa Automobile, Ship building, steel making at IT industries na nasa leading edge ng mga global market. Mga korean drama tulad ng Shut Up Flower Boy band, love rain at Boys Over Flowers, mga korean movies tulad ng My Sassy Girl, Hearty Paws at my little bride ay sikat di lamang sa korea kundi sa buong mundo. Sa aspeto naman ng musika at entertainment, ang korea ay may sariling paraan ng paggawa ng artista, bago mag debut ang isang artista, mapa solo man o grupo ay kailangan nyang sumailalim sa training sa kanyang inauditionan na agency ng higit sa isang taon. Maraming korean groups ang sikat ngayon katulad ng Infinite, EXO, Girls Generation at Super Junior na nag-aatract ng audience sa iba't ibang lugar sa buong daigdig na tinatawag na korean wave. Marami ring sikat na tourist spots sa korea at isa dito ang Jeju island na napabilang sa 7 wonders of the world.
No comments:
Post a Comment